PINANGUNAHAN ni Individual Board 1 gold medallist Ebennezer D. “Venz” Batul ang Region III Commission on Audit (COA) Chess Team sa kampeonato sa katatapos na Commission on Audit (COA) Luzon Inter Regional Sportsfest Chess Team Championships Tagaytay International Convention Center (TICC) sa Tagaytay City, Cavite.

chess copy

Kasama ni Batul sa koponan sina Board 2 Eduardo Aguirre, Board 3 Silver Medallist Joel Salazar, Board 4 Silver Medallist Daphne Raiz at Board 5 Julius Villaverde na nagkamada ng kabuuang 18.5 puntos tungo sa titulo sa event na inorganisa ni 7th District Cavite Rep. Abaraham N. “Bambol” Tolentino Jr.at Tagaytay City Mayor Agnes D. Tolentino kung saan si National Master Edmundo Gatus ang umaktong arbiter at si Ms. Mariel T. Lanuza naman ang event coordinator.

Kabilang sa mga tinalo ng koponan ni Batulsa 1st round ang Region 4A (2.5 - 1.5), sa 2nd round Region 4B (3-1), sa 3rd Round ang Region 1 (4-0), sa 4th Round ang CAR (3-1) sa 5th round ang Region 5 (4-0) at sa Round 6 ang Region 2 na nauwi sa 2-2 draw sa Single Round-Robin Format.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos ang Region 2 at Region 4A sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto na may 17.5 puntos.