Mary Ann Santiago

Patay ang isang tindero habang sugatan ang kinakasama nito makaraang pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa kanilang puwesto sa palengke sa Mandaluyong City, iniulat kahapon.

Naisugod pa sa Mandaluyong City Medical Center si Richard Pantua, nagtitinda ng prutas, nasa hustong gulang, ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga saksak sa katawan habang nilalapatan ng lunas ang kinakasama nitong si Isabel Garcia, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, naganap ang pananaksak sa loob ng tindahan ng biktima sa Guevent Market, Sierra Madre Street, kanto ng Pinatubo Street sa Barangay Malamig ng lungsod, dakong 4:20 ng madaling araw nitong Martes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nahihimbing ang mga biktima sa loob ng kanilang tindahan nang pumasok ang dalawang armado at pinagsasaksak sina Pantua at Garcia.

Kasalukuyang gumugulong ang imbestigasyon.