TINANGGAP ng Liwayway team na binubuo nina Perry C. Mangilaya, Wilson Fernandez at Pamela Lim-Kwok (mga nasa gitna) ang parangal na iginawad ng GEMS sa Liwayway magasin bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat mula kay G. Norman A. Llaguno (dulong kanan), Tagapagtatag at Pangulo ng GEMS at Dr. Lakangiting Garcia, ang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat awardee noong nakaraang taon.

TINANGGAP ng Liwayway team na binubuo nina Perry C. Mangilaya, Wilson Fernandez at Pamela Lim-Kwok (mga nasa gitna) ang parangal na iginawad ng GEMS sa Liwayway magasin bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat mula kay G. Norman A. Llaguno (dulong kanan), Tagapagtatag at Pangulo ng GEMS at Dr. Lakangiting Garcia, ang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat awardee noong nakaraang taon.

Ni PERRY C. MANGILAYA

TUMANGGAP ng espesyal na parangal ang Liwayway magasin sa ikalawang taon ng GEMS Awards (Guild of Educators, Mentors, and Students) bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat. Ang naturang pagkilala ay ipinagkaloob sa Gabi ng Parangal ng GEMS na idinaos nitong Marso 2 sa Center of Performing Arts, De La Salle Santiago Zobel School, Ayala Alabang Village, Muntinlupa City na dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang larangan ng sining.

Ang parangal ay masayang tinanggap ng kasalakuyang editorial team ng Liwayway sa pangunguna ng inyong lingkod bilang namamatnugot, Wilson Fernandez, staff/photographer at Pamela Lim-Kwok, layout artist mula kay G. Norman G. Llaguno, ang Tagapagtatag at Pangulo ng GEMS.

Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!

Ang GEMS, na itinatag ni G. Llguno noong 2016 ay isang samahang binubuo ng mga akademisyan mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyunal mula sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral mula sa ilang prestihiyosong kolehiyo at pamantasan, na ang layunin ay kilalanin at parangalan ang mahuhusay na mga alagad ng sining sa larangan ng panulat, tanghalan, radyo, telebisyon at pelikula.

Ang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng GEMS sa mga may hindi matatawarang naiambag sa larangan ng sining, indibidwal man o institusyon. At ayon kay G. Llaguno, nagkaisa ang buong pamunuan ng GEMS na karapat-dapat igawad ang parangal na ito sa Liwayway dahil isa na itong institusyon. Gayundin sa kapuri-puri at malaking naiambag nito sa mundo ng panitikan sa Pilipinas.

Sa nakalipas na siyamnapu’t limang taong pag-iral ng Liwayway, marami na itong natanggap na mga parangal mula sa iba’t ibang institusyon at sektor, maging sa mga kilalang unibersidad. Tulad ng mga pagkilala mula sa NCCA, Gawad Tanglaw, Ateneo de Manila University at marami pang iba. Ang mga parangal na ito ang lalong nagpapaangat sa katayuan ng Liwayway bilang nangungunang Filipino literary magazine sa bansa.

Ang Liwayway ay nagsimula noong Hunyo 15, 1922 bilang Photo News sa ilalim ng pamamahala ni Don Ramon Roces, bilang publisher at Don Severino Reyes bilang editor. Noong Nobyembre 18, 1922, pinalitan ng pangalan ang magasin ng Liwayway na ang ibig sabihin ay “Dawn”, o “Bagong Simula”.

Sa ilalim ng pamamahala ng Manila Bulletin Pub. Corp., ang Liwayway ay patuloy na nagkakanlong ng mga obra-maestra ng mga baguhan at datihang mga manunulat at mga dibuhista. Patuloy na naglilingkod at nagbibigay-aliw sa mga mambabasa. At sa kabila ng mga pagsubok dala ng makabagong panahon, nananatili pa rin itong matatag bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat.