Ni Associated Press

BINAWIAN ng buhay ang apat na taong gulang na anak ng Tony-award winning actress na si Ruthie Ann Miles, kasama ang isang taong gulang, nang mawalan ng kontrol ang driver ng isang sasakyan, at banggain sila habang tumatawid sa Brooklyn Street.

Si Ruthie Ann Blumenstein, tunay na pangalan ni Ruthie Ann Miles, ay sugatan sa aksidenteng naganap nitong Lunes sa Park Slope neighborhood. Ang kanyang anak na si Abigail ay binawian ng buhay. Si Blumenstein, na kasalukuyang buntis, ay naglalakad kasama ang kanyang kaibigang si Lauren Lew, na akay naman ang isang taong gulang na si Joshua, na nakasakay sa stroller. Binawian din ng buhay ang bata at sugatan naman si Lew.

Kasama ring binangga sa insidente ang 46 taong gulang na lalaki na inaasahang mabubuhay. Siya at ang dalawa pang babae ay isinugod sa ospital.

Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!

Sinabi ng ama ni Lew na si William Durston, na naninirahan sa Hawaii, sa Daily News ng New York na nakausap na niya ang kanyang anak.

“I’m concerned about her health and her mental well-being,” lahad niya.

Nakita sa surveillance footage ang driver na 44 taong gulang na babae mula sa Staten Island, sakay ng puting Volvo na tumitigil sa malaki at abalang intersection sa Ninth Street at Fifth Avenue. Ngunit nagsimulang umandar ng mabagal ang kotse bago ito humarurot at nabangga ang mga naglalakad sa pedestrian lane. Nakita sa mga nakuhang litrato sa insidente na tumalsik ang itim na stroller sa gilid ng kalsada at wasak ang sasakyan nang sumalpok sa isang nakaparadang kotse.

Nagwagi si Blumenstein ng featured actress Tony noong 2015 para sa pagganap bilang si Lady Thiang sa revival ng The King and I, ng Rodgers and Hammerstein katambal nina Kelli O’Hara at Ken Watanabe.

Hindi pa nasasampahan ng kaso ang driver; at pinag-aaralan pa ng pulisya ang medical history at driving record ng suspek.

Samantala, lahad ng pulis na nag-imbestiga sa suspek, hindi umano ito lasing. Hindi awtorisado ang opisyal na magsalita sa publiko at nakipag-usap lamang ito sa The Associated Press, dahil itinago ang kanyang pagkakakilanlan.

Nakausap naman ng Daily News ang saksing si Debbie LaSalle, na tumatawid din sa naturang intersection nang makita niyang humaharurot ang Volvo. “It was horrible to watch,” ani LaSalle, 44. “I’m still in shock. The white car was going really fast. The pregnant mother was facedown and the baby flew into the street. She dragged the stroller and the other baby was pinned under the car.”]