Ni JIMI ESCALA

TINANGHAL na Best Supporting Actress sa katatapos na Star Awards for Movies si Odette Khan para sa pagganap na ipinamalas niya sa Bar Boys. Tuwang-tuwa si Odette na umaming hindi mawala ang kaba mula nang umalis sa bahay at hanggang sa tawagin ang pangalan niya bilang winner sa nasabing katergorya.

ODETTE copy

First time raw kasi niyang mapansin ng Star Awards. Sa tagal na niya sa industriya, ngayon lang siya nakatanggap ng acting award na matagal niyang pinangarap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi umaasa si Odette na masusundan agad ang acting award niya, pero wish niyang magtuluy-tuloy ang dating sa kanya ng projects. Sa ngayon, kasama siya sa seryeng Ang Forever Ko’y Ikaw ng GMA-7.

Aniya, matagal-tagal din siyang bakante at mailap ang dating ng offers sa pelikula man o sa telebisyon.

Kaya inamin niya sa amin na habang walang trabaho ay napilitan na siyang magsangla ng mga naiipon niyang alahas.

Pero ngayong may trababo na siya sa GMA-7, unti-unti na niyang natutubos ang mga alahas niya.

“Sa totoo lang, eh, ni minsan hindi ko nagawang ma-late sa pagbabayad ng tubo sa mga isinanla kong alahas. Kaya naman ganu’n kadali kong natubos ang mga ‘yun dahil sa wala akong palya sa pagbabayad sa kanila,” sey ni Odette.

Kung karamihan sa mga artista ay bantulot umamin sa mga pagkakautang, iba si Odette Khan. Siya raw ang tipong hindi itatago sa publiko ang anumang kalagayan niya. Sasabihin niya nang harapan ang anumang tunay na nasa loob niya at hindi raw niya kayang magpaka-showbiz.

Umaasa na lang si Odette na magtutuluy-tuloy ang dating ng projects sa kanya. May mga umaasa pa rin sa kanya at para na rin sa pansarili niyang pangangailangan ngayong hindi na siya bumabata.