Ni Angelli Catan

Si Henry Sy pa rin ang pinangalanan ng Forbes Magazine na pinakamayamang tao sa Pilipinas na may net worth na $20 billion o P1 trilyon, mula sa $12.7 billion o P660 trilyon noong nakaraang taon. Kasunod ni Sys a limang pinakamayayamang Pilipino sina John Gokongwei, Enrique Razon, Jr., Lucio Tan at Tony Tan Caktiong.

Nasa ika-52 naman si Sy sa overall ranking ng pinakamayayamang tao sa mundo, na pinangunahan nina Jeff Bezos, Bill Gates, Warren Buffett, Bernald Arnault, Mark Zuckerberg, Amancio Ortega, Carlos Slim Helu, Charles Koch, David Koch at Larry Ellison.

Narito ang listahan ng mga bilyonaryo sa Pilipinas ngayong 2018:

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

1. Henry Sy - $20 Billion (P1 Trilyon) (#52 overall)

2. John Gokongwei, Jr - $5.8 Billion (P302 Bilyon) (#305)

3. Enrique Razon, Jr - $4.9 Billion (P255 Bilyon) (#404)

4. Lucio Tan – $4.7 Billion (P245 Bilyon) (#441)

5. Tony Tan Caktiong - $4 Billion (P208 Bilyon) (#550)

6. George Ty - $3.9 Billion (P203 Bilyon) (#572)

7. Manuel Villar - $3 Billion (P156 Bilyon) (#791)

8. Andrew Tan - $2.7 Billion (P140 Bilyon) (#887)

9. Ramon Ang - $2.5 Billion (P130 Bilyon) (#965)

10. Robert Coyuito, Jr - $1.4 Billion (P73 Bilyon) (#1650)