Ni Gilbert Espeña

TATANGKAIN ni No. 12 contender Toto Landero ng Pilipinas na maagaw ang WBA minimumweight crown sa paghamon sa walang talong kampeon na si Thammanoon Niyomtrong ngayon sa Chonburi, Thailand.

Si Landero ang ikaanim na Pilipinong kakasa sa world title bouts sa taong ito at kung magwawagi ay magiging ikatlong kampeong pandaigdig ng Pilipinas.

Huling nabigo sa mga PInoy boxer si 13th ranked Ernesto Saulong matapos talunin sa puntos ni IBF junior bantamweight champion Ryosuke Iwasa noong Huwebes ng gabi (Pebrero 28) sa Kokukigan, Tokyo, Japan.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Si Saulong ang ikatlo Pilipino na natalo sa world title bout sa taong ito matapos unang mabigo si No. 12 contender Mercito Gesta na maagaw ang WBA lightweight title kay Venezuelan Jorge Linares ng Venezuela noong Enero 27 sa Forum, Inglewood, California sa United States.

Natalo rin si Filipino American at two-division world champion Brian Viloria kay Ukrainian Artem Dalakian na napadugo ang kanyang kilay sa pamamagitan ng siko nitong Pebrero 24 sa Forum Inglewood, California.

Kailangan talagang patulugin ng mga Pilipino ang mga “hometown world champion” tulad ni Niyomtrong na naging kampeon at nagdepensa lamang sa Thailand.

May rekord si Niyomtrong na perpektong 16 panalo, 7 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Landero na may 10-1-2 win-loss-draw na may 2 panalo lamang sa knockouts.