Ni JIMI ESCALA

NAKASAMA na ni Matteo Guidicelli ang sikat na magka-love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa seryeng Dolce Amore at ngayon naman ay magkakasama uli sila sa epic fantaseryeng Bagani.

Liza copy

Ayon kay Matteo, parehong sweet at madaling pakisamahan sina Liza at Enrique.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Si Liza parating may surprise ‘yan. Si Enrique naman hindi siya nagtatago. Kumbaga, ‘binibigay niya agad sa lahat. Sobrang transparent niya, sobrang romantic talaga.

“Sa nakikita ko, silang dalawa parehong sweet pero different style. Si Liza patago, si Enrique naman showy,” kuwento ni Matteo.

Nang usisain kung sino kina Liza ang madaling mapikon at magtampo, madalas daw magkaroon ng maliliit na hindi pagkakaintindihan ang dalawa, sagot ng binata na naniniwalang “perfect match’ sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa katunayan nga raw ay sanay na raw siyang mag-third wheel sa isa sa pinakasikat na love team ngayon.

“They are both very nice people. They don’t make it difficult. They don’t even need a third wheel. They stand on their own. Extra-extra lang ako sa gilid,” napangiting banggit pa ng Kapamilya actor.

Samantala, nagsimula nang mapanood sina Enrique, Liza at Matteo kasama sina Sofia Andres at Makisig Morales kagabi sa Bagani na ipinapalabas sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.