Ni Nora Calderon

NATUPAD ang wish ni Maine Mendoza na simple birthday celebration lang ang isagawa para sa kanyang 23rd birthday sa Eat Bulaga last Saturday, March 3.

Maine copy

She opted na sa sugod-bahay sa Addition Hills in Mandaluyong City siya mag-celebrate with her co-hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.  Sa piling ng mga tagaroon siya nag-perform ng kanyang dance number at nag-blow ng candles ng three-layer cake niya with fresh fruits.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Ang birthday wish, ipinost niya sa kanyang Instagram wall: “May your days be filled with smiles, laughter and love; life be filled with peace, wisdom and cheer! To more fun times and new experiences on your 23rd year.  Happiest birthday, self!”

Nagkasama lamang sila ni Alden Richards sa Team Yellow sa kanilang “ACTually” segment, na gumagawa sila ng story out of the objects na ipinakikita ni Vic Sotto.  Muli sila ang nanalo against sa Team Blue.

Dumalo sa Broadway studio ang kanyang Tatay Teddy at Nanay Mary Ann Mendoza.  Napuno ang lobby ng studio ng napakaraming cakes mula sa kanyang fan clubs here and abroad.  Ayon sa kanyang ina, ang ibang cakes ay iniuwi nila sa Sta. Maria, Bulacan at ipinamigay sa mga bata at pamilya ng mga ito.

Wala ring birthday party si Maine maliban noong March 2 ay may family dinner sila dahil birthday ng kanyang Ate Niki at salubong naman sa kanyang birthday ng March 3.

Back to work agad si Maine ngayong Monday, ayon sa manager niyang si Rams David ng Triple AAA. Ngayon ang taping niya ng EB Lenten presentation with Vic Sotto at iba pang Dabarkads.  At pagkatapos nito, tuloy naman siya sa shoot sa Cavite ng TVC ng brand ng ice cream na ini-endorse nila ni Alden.  Pang-summer promo na raw nila ang said TVC.