Ni NITZ MIRALLES

BAYAW pala ni Baron Geisler ang nakaaway niya at nagbigay ng bukol sa kanyang kanang mata. Hindi lang kami sure kung saan galing ang dugo sa right cheek niya, basta namamaga ang mukha ni Baron sa ipinost na picture sa Instagram (IG).

baron-copy

Ang caption ni Baron sa duguan niyang litrato, “What to do! Break in and bugbog by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag Alana si mama.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinost din ni Baron ang request ng PNP Angeles sa Rafael Lazatin Medical Memorial Center na sumailalim siya sa physical examination at sa magiging resulta ng physical examination yata ibabase ang mas masusing imbistigasyon sa nangyari sa kanya.

In fairness, marami pa rin ang nagmamahal kay Baron, pinapayuhan siya ng mga ito na ayusin na ang buhay lalo’t ulila na siya at balikan ang pag-arte. Sinasayang daw ni Baron ang kahusayan sa pag-arte dahil sa mga gulong kinasasankutan.

Lumalabas na insurance ng deceased mother nina Baron at ng kanyang kapatid ang pinag-ugatan ng panibagong gulo sa buhay ni Baron. Nagsalita na rin ang kapatid niyang si Grace Geisler at nakiusap na, “To those who don’t know please refrain from commenting further” at “We will talk to u pag sober ka.”

Mahaba-haba pang usapan ito, kaya abang-abang lang tayo ng mga susunod na kabanata.