TOULOUSE (France) (AFP) – Patay ang dalawang Spanish skiers sa avalanche sa isang bundok sa timog kanlurang France nitong Sabado, ayon sa rescue services.

Nagawang ialarma ng tatlong iba pang miyembro ng grupo ang pangyayari matapos mawala ang kanilang mga kasamahan bago matapos ang araw (1100 GMT).

Aabot sa 20 gendarme rescuers ang ipinakalat, kasama ang mga aso at dalawang helicopter, sinabi pa ng awtoridad.

Natagpuan ng mga rescuer ang isang bangkay ng lalaki sa niyebe habang ang isa ay natagpuang buhay ng rescue dog, ngunit namatay din sa Toulouse hospital.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo