Muling pinatutsadahan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga si Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez hinggil sa pagkakaaresto kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.
“Nahuli na si Zaldy Co sa Europe, hindi pa rin natin alam kung nasaan si Martin Romualdez,” ani Barzaga sa isang Facebook post nitong Biyernes, Abril 17, 2026.
Matatandaang isa si Barzaga sa mga personalidad na nag-uugnay kay dating House Speaker Romualdez hinggil sa kinalaman umano niya sa anomalya sa kontrobersyal na flood control projects.
Noong Steymbre 2025 nang magsimulang tuligsain ni Barzaga ang noo’y liderato ni Romualdez matapos ang nagging pagkalas niya noon sa kaniyang partido sa National Unity Party bunsod umano ng akusasyon sa kaniyang nag-uugnay na patatalsakin niya noon sa puwesto si Romualdez.
“Yesterday night, I have been informed that Deputy Speaker Puno, the chairman of the National Unity Party, implicated me in a plot to remove Speaker Romualdez from his position, and that I am collecting signatures to do so. That notion is false,” saad ni Barzaga.
Kaugnay nito, tahasan ding iginiit ni Barzaga ang tuluyan niyang pagtanggal ng suporta para sa dating House Speaker.
“While the betrayal of trust is disappointing, I believe it is in the best interests of both myself and the National Unity Party that we go our separate ways, I will also be leaving the majority since I voted for Speaker Romualdez due to my party’s instructions,” anang mambabatas.
KAUGNAY NA BALITA: Cavite solon na iniugnay sa pagpapatalsik kay Speaker Romualdez, kumalas sa majority bloc
Samantala, noong Pebrero 2026 nang muling masilayan ng publiko si Romualdez matapos ang naging pagdalo niya noon sa plenaryo sa Kamara kung saan mabilis naman naging usap-usapan sa social media ang naging pagpayat umano ng mambabatas.
KAUGNAY NA BALITA: Pumayat na rin? Pagdalo ni Romualdez sa plenary session ng Kamara, inurirat sa socmed