Ipinagdiwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang ika-33 na taong anibersaryo ng kasal nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa naging Facebook post ng Pangulo nitong Biyernes, Abril 17, 2026, makikitang ibinahagi niya ang mga noon at ngayong larawan nila ni First Lady Liza kasama ang kanilang mga anak.
“33 years of marriage,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ng Pangulo.
Ani PBBM, si FL Liza raw ang nakasama niya sa paghakbang sa lahat ng tagpo ng panahon.
“Through every season, in family, in work, and in everything in between, we have walked it together,” aniya.
Dagdag pa niya, “You have been my constant. Steady, wise, and always looking after our family, while never losing sight of others.”
Nagawa ring magpasalamat ng Pangulo kay FL Liza dahil sa lahat ng nabuo nila nang magkasama.
“Happy anniversary, Liza. Thank you for the life we have built together,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, nauna na ring mag-post si FL Liza para gunitain ang anibersaryo ng kanilang kasal sa kaniyang Facebook page nito ring Biyernes.
“Built a life, raised a family and kept the love alive… 33 years strong!” saad ng Unang Ginang.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, 'di pinapasok ng Germany kaya natiklo ng Czech—PBBM
MAKI-BALIT: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM