Ni REGGEE BONOAN

PARAMI nang parami ang sumusubaybay sa throwback na love story nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

Nagtataka sila kung ano ang tunay na intensiyon ni Carlo sa pagsunud-sunod sa ex-girlfriend. Nililigawan nga ba niya uli ang aktres? Ito ang tanong ng mga sumusubaybay sa dalawang prominent stars ng ABS-CBN.

CARLO AT ANGELICA copy

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa launching cum autograph signing kasi ng libro ni Angelica sa Trinoma Activity Center nitong nakaraang weekend, sinopresa ni Carlo ang dalaga at binigyan pa ng bulaklak.

Marami ang naghiyawan sa pagdalo ni Carlo.

“Sana naman hindi promo o scripted ang pagpunta ni Carlo, pero kataka-taka rin kasi binigyan niya ng bulaklak si Angelica, eh, alam naman nating galing sa organizer ang bulaklak at ‘pinabigay kay Carlo? So, alam na this,” sabi sa amin ng kaibigan naming dumalo sa event.

Pagtatanggol namin, baka may plano naman talaga si Carlo na balikan ang ex-girlfriend kaya pinupunta-puntahan niya.

Natatandaan namin na panay ang yaya niya sa aktres para mag-dinner at natuloy naman ito nitong Araw ng mga Puso.

Medyo confused lang kami dahil nabanggit ni Carlo sa huling panayam namin sa kanya sa presscon ng Meet Me in St. Gallen na tumabo na sa takilya na gusto muna niyang ipahinga ang puso niya at magko-concentrate muna siya sa career niya.

Nabanggit din niya na open din siya sa reconciliation nila ng ex-girlfriend niyang si Kristine Nieto na kasosyo niya sa food truck business nilang Bigbite Avenue (Best Burger in Town).

Natatandaan naming na-feature pa ito sa KrisTV noong 2013 at inamin ng dating karelasyon ni Carlo na three years na silang magkarelasyon nang panahong iyon.

Oo nga naman, sa halos walong taon ang naging relasyon nila kaya malalim na ang pundasyon, kaya kataka-taka na biglang nauwi sa hiwalayan sa kasagsagan ng shooting ng huli ng Meet Me in St. Gallen.

Anyway, anuman ang plano ni Carlo kay Angelica o kay Kristine ay siya lang ang nakakaalam. Sabi nga sa popular na linya niya sa pelikula, “Meron, meron, meron, akala n’yo lang wala!”