Ni Nitz Miralles

PARANG final week na ng Ika-6 Na Utos nitong nakaraang linggo dahil sa mabibigat na eksenang napapanood. Nakakatawang basahin ang reaction ng viewers sa social media, dalang-dala sila sa mga eksena at may mga napapraning, naha-high blood, sumasakit ang ulo at may hindi makahinga sa pag-aabang sa mga susunod na eksena.

Ayaw sabihin ng cast kung ano ang mangyayari sa ending ng serye, ayaw nilang mag-spoiler, manood na lang daw at saka na mag-react. 

Sa nababasa naming comments, iisa lang ang gusto ng sumusubaybay sa hit daytime program ng GMA-7 at ito ay ang pagbabayad ni Georgia (Ryza Cenon) sa kanyang mga kasalanan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gusto ng nakararami sa viewers, mamatay si Georgia o ‘di kaya’y makulong for life.

Nakita namin ang post ni Gabby Concepcion ng picture nila ni Sunshine Dizon at ibang cast ng soap at may caption na, “Making the best time with the cast and staff. Malapit na. Sad. Abangan.”

Sa nag-suggest na sana ay masundan pa ang pagtatambal nila ni Sunshine sa teleserye, ang sagot ni Gabby, “That’s not a bad idea. It would be a pleasure to work with a fine leading lady like her again. Thank you.”

Sa mga naunang interview kay Gabby, ipinahayag niyang natutuwa siya na tinanggap ng viwers ang tambalan nila ni Sunshine na bata pa nang unang makasama niya sa isang pelikula ng Regal Films at gumanap pa yatang anak niya.

“Sinong mag-aakalang magiging leading lady ko siya? Child actress siya nang una kong makatrabaho, ngayon, leading lady ko na,” ayon pa kay Gabby.