Ni REMY UMEREZ

Alfred Vargas
Alfred Vargas
MAGANDA ang pasok ng 2018 kay Cong. Alfred Vargas. Nagbabalik-GMA siya sa teleseryeng  Kambal Karibal bilang asawa ni Carmina Villaroel.

Huling napanood si Alfred noong 2016 sa isang full-length series sa telebisyon. Medyo lumobo ang katawan niya at siya na mismo ang nagpasiyang huwag na munang tumanggap ng stint either sa pelikula o television.

A very organized person, twice a week lamang kung mag-taping si Alfred at limitado rin ang paglabas niya sa pelikula. Sa ganitong paraan ay hindi naaapektuhan ang trabaho niya sa Kongreso.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, happy ang buong cast ng Kambal Karibal sa natatanggap nilang good feedback mula sa viewers.

“Damang-dama ko na sinusubaybayan nilang talaga araw-araw ang serye at lagi nilang kinukumusta sa akin si Carmina, at alam nila kung ano ang nangyayari sa istorya,” kuwento ni Alfred.

Hinggil sa patutsadahan ng fans na mas mataas ang ratings ng La Luna Sangre, heto ang pahayag ni Alfred.

“We believe in healthy competition and we do our best para lalong mapaganda ang bawat kabanata ng Kambal Karibal.”