Ni NORA CALDERON

KAHIT anong balita at kahit anong i-post nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Instagram ay umaani ng napakaraming likes at comments. Napapadalas kasi ang sightings sa kanila, kaya masayang-masaya ang kanilang fans.

Dinumog ng fans ang post na “Sharon Cuneta, Gabby Concepcion spotted in a meeting with Star Cinema head” at may picture na magka-holding hands sila at naka-Korean I love you sign. Pero mabilis itong ikinorek ng Megastar.

Sa ngayon kasi ay magkaiba nga ang network nina Sharon at Gabby, kaya malabo pa ang wish ng fans nila na makagawa sila ng serye o pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May contract pa sa GMA Network si Gabby pero mukhang matatapos na at si Sharon naman ay may sisimulang bagong talent show sa ABS-CBN. May mga nag-comment ngang baka sila ang maging dahilan para matapos na ang network war at magtulungan ang TV networks para mag-produce ng magagandang pelikula at naghihiraman ng big stars.

Pero may balitang tuloy na ang big movie na ipo-produce ng isang congressman from the south na pagbibidahan ng malalaking artista tulad nina Sharon, Gabby, Ormoc Mayor Richard Gomez, Albert Martinez at marami pang iba na pawang kaibigan ng congressman.

Lahat sila ay pumayag na gawin ang movie na walang magiging problema sa billing. So hintayin na lang natin ang susunod pang mga balita tungkol sa pelikulang ito.