Ni NITZ MIRALLES

PAREHONG hindi makapaniwala sina Rhian Ramos at Jason Abalos na kinakikiligan at paborito ang tambalan nila ng maraming viewers ng The One That Got Away (TOTGA).

JASON AT RHIAN copy

“Lalo na ako, nagulat at masaya na tinanggap ng viewers ang team-up namin ni Rhian at ang alam ko, may Team Zoel (for Zoe and Gael, pangalan ng characters nila sa series) na sumusuporta sa amin,” pahayag ni Jason. “Masayang-masaya dahil first teleserye ko ito sa GMA-7 at tinanggap agad ako bilang si Gael at ngayon, bilang love team ni Zoe.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayon kay Jason, wala sa kanya ang pressure bilang bahagi ng TOTGA kundi mas kina Dennis Trillo, Rhian, Max Collins at Lovi Poe dahil sila ang main cast ng series.

Five months pa lang na Kapuso si Jason at sa cast ng TOTGA, si Lovi pa lang ang nakatrabaho na niya nang maging endorser sila ng Aficionado. Pero hindi siya naiilang dahil very warm ang lahat ng tao sa GMA Network mula sa mga bossing, sa mga artista, staff at crew.

Samantala, proud na proud si Jason sa girlfriend niyang si Vickie Rushton na isa sa candidates sa Bb. Pilipinas.

Nanghinayang si Jason na wala siya sa press presentation last Wednesday dahil may taping siya ng TOTGA at hindi puwedeng absent siya.

“Pero sa coronation night, siguradong manonood ako para moral support at para i-cheer siya. Kami ng mom niya ang nag-push sa kanyang sumali at hindi na niya kailangan ang permiso ko. Ang payo ko sa kanya, ‘wag magpa-pressure, just enjoy the experience habang nasa contest siya. Gusto ko ma-develop ang personality niya at mas tumaas pa ang self-confidence,” pagtatapos ni Jason.