Ni ADOR SALUTA

IPINALIWANAG ni Nathalie Hart sa panayam sa Tonight with Boy Abunda kung bakit siya tinatawag na porn star.

“Siguro kasi sa Pilipinas, hindi pa nila kayang matanggap iyong ginagawa ko na medyo open… The only thing is that I show my boobs in my movies kaya nila sinasabi na porn star ako,” sabi ng hottest sexy star ng Philippine cinema ngayon.

NATHALIE copy copy

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hindi niya inililihim na may ipinabago siya sa kanyang katawan.

“I’ve had tattoos. I think I’ve said before that I had enhancement with my boobs.”

Sa mga negatibong bagay na ibinabato kay Nathalie, lalo na sa buhay-showbiz, hindi siya nagpapaapekto. Mas napapaiyak siya kapag napag-uusapan ang kanyang pamilya.

“Nasasaktan ako siguro ‘pag hindi ko nabibigyan ng suporta ang pamilya ko. I’m very dramatic about that. I really want to go somewhere in life for me to be able to help my brothers. May pakialam ako du’n pero ‘yung sabihin nila na malandi, pokpok, na porn star I don’t care. Wala akong pakialam sa kanilang lahat.”

Nang tanungin kung bakit ganito na lang ang hangarin niyang magkaroon ng maayos na buhay, sagot ni Nathalie, “My father hindi niya talaga kami sinuportahan. It was very difficult for us.”

Naitanong din sa kanya ang tsismis na naging girlfriend siya ni James Reid. 

“No way!” depensa niya.

Ipinakita ang picture nila ni James na magkalapit na nakaupo. Mabilis na nag-react si Nathalie.

“Oh my God. This is embarrassing. Baka ma-bash ako.” At nagpaliwanag na, “Wala akong ginawa saka first of all, ha, that was like before they (JaDine) were together, ha,” pagtatapos ng aktres.