Vargas at Tolentino, nagsumite ng kandidatura; walk out sa election?

Ni ANNIE ABAD

NANINDIGAN ang mga tagasuporta ni boxing chief Ricky Vargas na isulong ang kanyang kandidatura bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee kahit malaki ang posibilidad na muli siyang harangin ng POC Comelec.

Pormal na isinumite ni Vargas, pangulo ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (Abap), ang kanditatura kahapon upang labanan sa posisyon si incumbent POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nakatakda ang eleksyon sa Biyernes.

Matapos isumite ang kandidatura, gayundin sina cycling federation president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang chairman at table tennis head Ting Ledesma, nagsagawa ng media conference ang grupo ni Vargas kung saan dumalo ang 27 lider at kinatawan ng iba’t ibang national sports association (NSA).

“This is a sign of support,” pahayag ni Tolentino.

Bago ito, nagsagawa ng petition paper ang grupo kung saan hiniling sa POC Comelec na payagan sina Vargas at Tolentino na tumakbo sa posisyon at klaruhin ang probisyon hingil sa ‘active membership’.

‘The court said, hindi klaro kaya, walang dahilan ang POC Comelec na hindi kami payagang tumakbo sa election,” ayon kay Tolentino.

Muli, ang POC Comelec ay pinamumunuan ni dating Philippine representative to IOC na si Frank Elizalde, isang tagasuporta ni Cojuangco at siya ring pinuno ng nakalipas na Comelec na humarang kina Vargas at Tolentino.

“The process they are leading to was towards disqualification. Strongly, they might (disqualify me),” pahayag ni Vargas.

Hindi na rin itinuloy ni gymantics president Cynthia Carrion ang planong tumakbong POC president dahil sa paniwalang kakatigan ng Comelec ngayon ang grupo ni Vargas.

“It’s no sense for the POC Comelec to bar them to run. It’s chaos, baka magkaroon ng walk out sa election, lalo tayong magugulo,’ sambit ni Carrion.