PAMILYA PADILLA AT ABRENICA copy

Ni NITZ MIRALLES

MAS maraming pictures sa Instagram (IG) posts ni Mariel Rodriguez nang pumunta sina Aljur Abrenica at pamilya nito sa bahay nila ni Robin Padilla. May paunang post si Mariel na “Because FAMILY in EVERYTHING.”

May comment si Robin at ang sabi, “Ikaw ang naging tulay @marieltpadilla maraming salamat at hindi ka nagsawa” na sinagot si Mariel ng, “@robinhoodpadilla i love you so much!!! Everyone you love i love.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ibig sabihin, si Mariel ang gumawa ng paraan para magkaharap na si Robin at si Aljur pati na ang pamilya nito kaya kino-congratulate din siya ng netizens sa masasabing pinakamasayang pangayayari sa buhay nina Robin, Kylie at Aljur.

Nag-post na rin si Robin ng picture nilang tatlo nina Kylie at Aljur sa IG at nilagyan ng caption na, “ROMEO and JULIET! FEBIBIG IBIG!”

Samantala, maging si Coco Martin ay natuwa sa pagkikita nina Robin at Aljur at nag-comment ito sa IG ni Aljur ng, “Ayos Paps nakakatuwa.”

Sa pangyayaring ito, puwede na kayang magsama sa isang teleserye sina Robin at Aljur lalo’t pareho naman na silang talent ng ABS-CBN.