Erich, Tom at Lovi
Erich, Tom at Lovi
NAGSAMA-SAMA sina Erich Gonzales, Tom Rodriguez, at Lovi Poe sa The Significant Other ng Cineko Productions, ang pinakakontrobersiyal na pelikula ngayong season.

Sa direksiyon ng premyadong si Joel Lamangan at sa panulat nina Enrique Ramos at Jerry Gracio ang The Significant Other na ikalawang major na kolaborasyon ng Cineko Production at ng Star Cinema.

Ang kuwento ng The Significant Other ay tungkol sa magkaibigang top fashion models na sina Nicole (Erich) at Maxene (Lovi) na madidiskubreng iisang lalaki pala ang karelasyon nila – ang plastic surgeon na si Edward (Tom). Naniniwala si Nicole na siya ay nililigawan ng man of her dreams samantalang ipaglalaban naman ni Maxene ang isang sekreto na pinakikinabangan niya at ng kanyang karelasyon. Pareho silang naniniwala na sila ang significant other ng kanilang karelasyon .

Ito ang unang film project na pinagsasamahan nina Erich, Tom, at Lovi na umaani usap-usapan at excitement ng fans at industry insiders.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang The Significant Other ang unang pelikula ni Erich matapos ang box-office hit niyang entry sa Metro Manila Film Festival 2017 na Siargao. Kasabay din ng pelikulang ito ang The Blood Sisters, na pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN.

Comeback film naman ito ni Tom sa Star Cinema. Naging bahagi siya ng 2015 blockbuster hit na The Love Affair, na pinagbidahan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo.

Samantala, ito ang unang project ni Lovi sa Star Cinema.

Sama-samang lilikha sina Erich, Tom, at Lovi ng di-malilimutang love triangle habang binibigyang buhay ang kamangha-manghang mga karakter nina Nicole, Edward, at Maxene.

Consistent ang The Significant Other sa cutting edge na estilo ng Cineko Productions na unang nakipag-collaborate sa Star Cinema sa Fallback ni Jason Paul Laxamana. Ang Cineko Productions din ang nagprodyus ng The Return of Mang Kepweng na pinagbidahan ni Vhong Navarro.

Para sa pag-ibig na napakasarap sa umpisa na biglang naging mali, paano patatatagin nina Nicole at Monique ang kani-kanilang relasyon? Ano ang kaya nilang gawin para sa kanilang karapatan sa pag-ibig? Sinong significant other ang magwawagi sa dulo? Alamin at panoorin sa The Significant Other simula sa Pebrero 21.