Ni Nitz Miralles

BALIK-INSTAGRAM (IG) si Ellen Adarna, pero naka-private na ang setting at mga kaibigan lang niya ang puwedeng mag-follow. May 25 followers pa lang si Ellen kabilang sina John Lloyd Cruz, Coleen Garcia at ang friend niyang si Beauty Gonzales.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

May positive at negative reactions ang netizens sa pagbabalik-IG ni Ellen na naka-private na. May nagsabing nag-mature na si Ellen, may naniniwala namang hindi lang siya nakatiis na wala sa social media.

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi

May malaking tsismis na kumalat nitong weekend, ikinasal na raw sina Ellen at John Lloyd Cruz last Friday. Pero may kumontra sa balitang ‘yun dahil mamamanhikan pa lang daw si John Lloyd at ang pamilya nito sa pamilya ni Ellen after ng Chinese New Year.

Dahil tapos na ang Chinese New Year, kung tama ang balita ay may pamamanhikan nang magaganap anumang araw ngayon.

Kung totoong mamamanhikan pa lang, sino kung ganoon ang sikat na aktor at kontrobersiyal na female star na itsinismis ng ilang katoto na ikinasal daw sa Quezon City Hall?

Last year pa natsitsismis na malapit na raw ikasal ang dalawa, bagay na ipinag-react nina Ellen at John Lloyd, pero hindi nila outright na itinanggi.