Ni Leandro Alborote
VICTORIA, Tarlac - Naghain kahapon ng reklamo sa pulisya ang isang ginang laban sa kanyang mister dahil sa pagpapabaya umano sa kanilang pamilya sa Victoria, Tarlac.
Nagtungo sa Victoria Police headquarters ang 53-anyos na ginang upang ireklamo ang 50-anyos na asawa, ng Barangay San Andres, Victoria.
Sa salaysay ng ginang sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Victoria Police, nag-ugat ang lahat nang matuklasan niya noong Enero 2003 na may ibang karelasyon ang kanyang mister na nagresulta sa madalas nilang pag-aaway.
Hanggang sa tuluyan nang umalis ng bahay ang padre de pamilya, at hindi na nagbigay ng sustento sa kanya at sa kanilang mga anak.