Ni LITO T. MAÑAGO

NAKORNER namin si Mike Tan pagkatapos ng grand mediacon ng soon-to-air afternoon series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na pinagbibidahan nila nina Yasmien Kurdi, Martin del Rosario, Jackie Rice at maraming iba pa. Nagpaliwanag ang datingStarstruck Ultimate Male Survivor tungkol sa pagpapakasal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Mike copy

Nilinaw ni Mike na hindi niya intensyong itago ito sa publiko. Sinunod lang daw niya ang request o pakiusap ng kanyang girlfriend -- now his wife -- na gawin itong pribado.

Events

Presyo ng ticket concert ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas, nagpa-wow sa fans

Ginanap ang kanilang private wedding sa Villa Milagros, Rodriguez, Rizal noong January 22.

“Very secret, very private,” pagtatapat ng aktor. “Sobrang biglaan kasi nga iniingatan kong walang magli-leak na info kasi ‘yung nga ‘yung gusto naming dalawa and to honor her request.

Bakit inilihim, tanong ulit namin kay Mike.

“Hindi ko lang naman in-announce,” aniya, “kasi ‘yun nga kasi ‘yung choice niya bilang tao. Kasi sabi ko nga, very private siya, in-honor ko rin kung ano ‘yung gustong mangyari nu’ng soon-to-be-wife ko, na wife ko na ngayon. Para sa akin, sino ba ‘yung pipiliin ko? Siyempre, ‘yung magiging asawa ko. ‘Yun ‘yung rerespetuhin ko sa kanya. Siya ‘yung io-honor ko bilang asawa ko kasi after God, ‘yung asawa mo na.

“Ayaw niya nang bonggang kasal, ayaw niya na may camera na kasal, actually, ‘yung naging wedding, eh, no cameras talaga ‘yun. As in, ‘yung (official) cameraman lang ‘yung kumuha ng mga nangyari sa loob. At ‘yung mga kaibigan naman namin, nag-picture sila pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila inilalabas,” kuwento ng newly wed actor.

May fear ang kanyang wife na baka maging circus ang wedding nila?

“Hindi ‘yung fear ng wife ko kundi choice naming dalawa. She is a very private person, hindi siya artista, ako ‘yung artista at ako ‘yung kumikita sa showbiz. Ito ‘yung work ko, so, I don’t think, kailangan pa siyang makita ng tao.

Ang ikinakatakot ko rin, siyempre, hindi naman natin kontrolado ‘yung audience natin, ‘yung mga tao. Ayoko ring may masabi sa kanya na kahit ano pa. At the same time, ‘yun din ‘yung choice niya na huwag magpakita. Ayoko ring ipakita siya in public kasi sabi ko nga ayoko ko siyang madamay du’n sa trabaho ko. Iba ‘yung trabaho niya, iba ‘yung line of work niya,” paliwanag ng aktor.

Bilang respeto rin daw ni Mike sa executives ng GMA Network, ipinagpaalam niya ang tungkol sa pagpapakasal niya. Ayon sa kanya, hindi naman tumutol ang bigwigs ng network at naintindihan naman siya.

Wala ring imbitadong taga-showbiz maliban kay CJ Muere, now a practicing dentist at naging runner-up ni Mike nang tanghalin siyang ultimate male survivor nu’ng 2004.

Kahit daw ang kanilang wedding supplier, pumirma pa ng non-disclosure agreement para maging pribado talaga ito.

Tatlong linggo pagkaraan ng kanyang ‘very private wedding,’ sa unang pagkakataon ay humarap si Mike sa entertainment press sa grand launch ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa 17F ng GMA Network Center.

Kapansin-pansing iba ang kanyang aura. “I’m very happy, siyempre, new show, new blessings in life.”

“Very, very inspired to work, even before naman. ‘Yung mga trabaho, siniseryoso ko talaga ito, especially ngayon, siyempre, mas naging masaya ako and at the same time, inspired sa buhay,” tinuran pa ni Mike.