Ni Gilbert Espeña

TATANGKAIN ni world rated Mark John Yap na ipagtanggol ang kanyang OPBF bantamweight title sa ikatlong pagkakataon kontra sa dating Japanese super bantamweight champion na si Takafumi Nakajima sa Abril 4 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Natamo ni Yap ang titulo sa pagpapatulog sa dating kampeong si Takahuri Yamamoto noong Nobyembre 11, 2016 sa Kobe at naidepensa kina Kentaru Masuda at Seizu Kono via knockouts.

Umangat si Yap sa WBC rankings bilang No. 6 contender sa kampeong si Luis Nery ng Mexico na magdedepensa ng korona sa inagawan nito ng titulo at matagal na kampeong si Shinsuke Yamanaka sa Marso 1 sa Tokyo, Japan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Malaki ang posibilidad na kung impresibong tatalunin ng 29-anyos na si Yap ang beterano rin at dating world rated na si Nakajima ang sunod niyang makakalaban.

Nakalista rin si Yap na No. 8 contender kay IBF bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom kaya maaari rin niyang hamunin ang Briton.

May rekord ang tubong Cagayan de Oro City na si Yap na 28 panalo, 12 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts samantalang si Nakajima na dating WBC Asian Boxing Council featherweight titlist ay may kartadang 29-9-1.