Yam Concepcion
Yam Concepcion
UMAMIN si Yam Concepcion na nagka-crush siya kay Paolo Ballesteros noon kaya nagulat siya nang malaman ang sexual preference nito.

Pero hindi pa rin naman daw nawala ang paghanga niya sa aktor dahil sa magandang ugali nito na lalo pa niyang napatunayan nang magkasama sila sa pelikulang Amnesia Love.

At posible raw na ma-in love si Yam sa bading,.

“Oo naman. Pero never pang nangyari kaya madaling sabihin.  Pero you can’t choose whom you love, basta nangyayari na lang bigla.  Saka sa ugali ako nai-in love hindi sa pisikal.  Kasi ‘yung physical nawawala naman.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Biniro namin si Yam na baka may bahid ang karelasyon niya ngayon.

 

“Ay, naku walang-wala, 150% straight,” mabilis niyang sagot.

 

Inamin ni Yam na tatlong taon na sila ng boyfriend niya pero magkahiwalay sila dahil sa Amerika naka-base at nagtatrabaho sa Wellsfargo bilang financial adviser.

Wala pa silang planong magpakasal.

“Naku, walang-wala pa, ipun-ipon muna,” saad ng dalaga.

 

At dahil sa Amerika naka-base ang boyfriend ay doon na rin mananatili si Yam kung sakaling ikasal sila.

 

“Ay, hindi naman, usapan namin six months dito at six months doon.  Pero dito ko gustong magpakasal ayaw ko ro’n,” say ng dalaga.

 

Samantala, hindi pa naman naranasan ni Yam na magkaroon ng amnesia sa iilang lalaking naging bahagi ng buhay niya dahil lahat sila ay naaalala pa ng dalaga.

 

“Hindi nakakalimot ang pag-ibig para sa akin kasi kapag nasa puso mo ng tao, nandidiyan ‘yan at hindi mo malilimutan,” say ni Yam.

 

Natuwa siya nang malaman niyang personal choice pala siya ni Paolo bilang leading lady dahil nabaitan at nakita na siya nito kung paano magtrabaho.

 

Una silang nagkasama sa pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend kasama sina Dennis Trillo at Anne Curtis at ipinalabas noong 2016.

 

Kuwento ni Yam, “Ang sarap niyang katrabaho as a leading man kasi hindi ka lang niya aalagaan but you know, aayusin niya ang hair mo,” sabay muwestra sa buhok niya,  “so ganu’n siya.”

 

Saan siya mas komportable, sa wholesome/feel good movie o sa sexy roles?

 

“Kahit ano challenging para sa akin pa-sexy o feel good kasi sineseryoso ko talaga ‘yung trabaho ko, inaaral ko kaya lahat ‘yun challenging. Bawat project iba bawa’t character iba at pinagdadaanan.

 

“But of course, I’m more comfortable of showing a little bit of skin dahil nga ‘yung pinagdaanan ko, nagsimula ako sa isang adult drama na Rigodon (2012), siguro dahil do’n naging mas open ako na basta pa-sexy, go lang,” paliwanag ng dalaga.

 

Comedy-drama ang Amnesia Love na mapapanood na sa Pebrero 28 mula sa Viva Films mula sa direksyon ni Albert Langitan.