Ni DIANARA ALEGRE

Jessie at KZ
Jessie at KZ
NAMAYAGPAG at hinangaan ng mga dayuhan at lokal na manonood si KZ Tandingan sa Singer 2018, isang international singing competition sa China nitong Biyernes.

Ito ang unang pagsabak sa patimpalak ni KZ at kaagad niyang nasungkit ang unang puwesto. Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng patimpalak na umalagwa agad sa rurok ang contender sa unang sabak pa lamang.

Tinalo ni KZ ang pito pang mga kilalang mang-aawit mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang British superstar na si Jessie J, na unang may hawak ng puwesto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inawit ni KZ ang Rolling in the Deep ni Adele, gamit ang kanyang estilong jazz at electronica.

Nanggulat din si KZ sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal nang mag-rap sa wikang Tagalog na hinangaan ng mga manonood at maging ni Jessie J.

Pagkatapos ng pagtatanghal, ay nagkaroon ng pagkakataon sina KZ at Jessie J na makapag-usap at hayagang sinabi ng Pinay na iniidolo niya, mula pa pagkabata, ang superstar.

“When I was in high school I almost stopped singing because I couldn’t reach the high notes anymore because I had a polyp on my vocal chords and then I heard you and then I realized ‘Oh I didnt have to hit those high notes… so I started singing again,” ani KZ na pinipigilan ang pagtulo ng luha.

“Who I am as an artist now, a big chunk of that is because of you,” pagmamalaki niya kay Jessie.

Bilang ganti, niyakap naman siya ni Jessie J at binigyan ng payo.