Ni Nitz Miralles
SINA Sharon Cuneta at Gabby Concepcionang bagong endorser ng McDonald at nag-shoot na sila ng TVC (TV commercial) noong isang araw. Hindi pa sinasabi kung anong produkto ng McDo ang i-endorse nina Sharon at Gabby, pero kung anuman ‘yun, siguradong papatok dahil uhaw ang kanilang fans na makita silang magkasama.
May nag-react na nagbunga ang panawagan ni Sharon na kunin siyang endorser ng any brand ng kape at kasunod nito, may post si Gabby ng cup of coffee. Tama kaya ang paniwala ng marami na kape sa McDo ang i-endorse ng dalawa?
Kinilig din ang Sharon-Gabby fans sa comment ni Sharon na, “You naughty! Crazy hahaha. No se que” sa post ni Gabby na, “When the end approaches, so does the beginning. #goodvibes #10 #20.” Ang pinost na picture ni Gabby ay tila behind the scene footages sa TVC shoot nila ni Sharon at may hawak pa siyang boquet of red roses.
Hintayin nga natin kung totoong sa February 14 o sa Valentine’s Day ilalabas ng McDo ang TVC nina Sharon at Gabby.
Anyway, ang next request ng fans nina Gabby at Sharon ay ituloy na ang reunion movie nila. Malapit nang magtapos ang Ika-6 Na Utos ng GMA-7 na tinatampukan ni Gabby, may time na siyang gumawa ng pelikula.