NAILUSOT ni Toni Rose Basas ang dalawang service aces sa fifth set para sandigan ang Far Eastern University kontra Ateneo, 19-25, 25-21, 18-25, 25-20, 15-9, nitong Linggo sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena.

volleyball copy

Kumubra si Basas ng kabuuang 14 puntos, kabilang ang anim sa 20 aces ng FEU, habang umiskor si Bernadeth Pons ng 14 marker, 13 digs at 16 excellent receptions.

Ito ang unang panalo ng Lady Tamaraws sa Lady Eagles mula noong second round ng elimination may limang taon na ang nakalilipas.

Human-Interest

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens

“Sa amin ito, pampa-high morale sa mga players kasi knowing Ateneo ang tinalo namin,” said FEU coach George Pascua.

Bumangon ang Lady Tams mula sa 1-6 paghahabol, tampok ang service aces ni Basas para sa 12-9 bentahe ng Lady Tamaraws may 12-9 ang nalalabi.

Umiskor ang Lady Tamaraws ng tatlong sunod na puntos, bago naselyuhan ang panalo para sa Lady Tams ni Kat Tolentino.

Sinabi ko hindi naman natatapos ang volleyball sa 6-1 eh, so sabi ko keep fighting lang,” said Pascua.

“Kilala ko ang players na ’yan pagdating sa maturity, pagdating sa ganoong situation, alam nila i-handle kasi ine-ensayo namin ‘yan so alam nila kaya confident ako na kayayanin nila,” aniya.

Nanguna Jhoanna Maraguinot had 21 puntos, habang mayroong 14 puntos si Tolentino.

Samantala, naisalba ng University of the Philippines ang matikas na pakikihamok ng University of the East, 25-19, 25-13, 21-25, 16-25, 15-8.

Hataw si Lady Maroons skipper Diana Carlos sa nakubrang 22 puntos, habang tumipa si Molde ng 20 puntos.