Ni Nitz Miralles

SA tulong ng Safeguard, Head & Shoulders, Pantene and Olay ay may treat si Kris Aquino sa kanyang fans/followers sa birthday niya sa February 14 na double celebration nga kasi Valentine’s Day rin.

HERBERT AT KRIS copy copy

Sa post ni Kris tungkol dito, hindi sinasadyang nalaman ng followers niya na wala pa rin siyang love life. Ibig sabihin, friends na lang talaga sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, kahit marami ang nagdududa na tuloy pa rin ang platonic relationship nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“These four brands will celebrate my birthday with a special P&G @lazadaph promo. May Valentine kilig for me because wala man akong date, marami naman kayong mapapaligaya ng P&G w/ special Kris Birthday discounts. Because lucky for me, sa endorsements may #forever.”

May millennial fans na nangangarap magkatuluyan sina Kris at Herbert. KrisTek ang tawag nila sa kanilang sarili.

Nakakatuwa, kasi “mommy” at “daddy” ang tawag nila sa dalawa.

Samantala, nagustuhan ng Instagram followers ni Vice Ganda ang post/comment ni Kris sa post ng una na, “Pssss!!! Eto na nga pala yung pinagpalit mo noon. Ganda noh! Pwede mo na lang titigan pero din a pwedeng balikan.

Tonononoiiiinnnxxx!”

Comment ni Kris: “Life isn’t fair -- when you post this people find it adorable, if I posted something like this they’ll find a way to make an ampalya emoji. Missing you.”

Umabot sa 1,238 likes at comments ang post na ‘yun ni Kris at lahat positive ang reaction sa kanya.