Ni Nitz Miralles

MAY nabasa kaming tanong kay Kris Aquino sa kanyang Instagram post kung pinu-promote na niya pareho ang Ever Bilena at MAC dahil Main Brand Ambassador na nga ĺĺ0 ang huli.

Kris kasama sina Ms. Marcial at Mr. Carpio copy

Bilang sagot, may sinabi si Kris sa contract signing/presscon niya sa Ever Bilena na pinapayagan siya para gumamit ng ibang to cosmetics basta hindi local brand. Kaya lang, sobrang satisfied si Kris sa Ever Bilena at baka nga after her three-year exclusive contract, mag–renew pa siya.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

‘Katuwa si Kris, she loves talking about her endorsements at naniniwala kaming ginagamit talaga niya ang ini-endorse niya. Katunayan, nang maimbita kami sa bahay niya after ng pa-block screening niya ng Siargao, Safeguard soaps ang nasa banyo niya to think na that time, hindi pa siya nagsu-shoot ng TVC.

Kaya makakaasa ang Ever Bilena at ang latest endorsement niyang Healthy Family Purified Water na gagamitin ang mga ito ni Kris. Water drinker si Kris at nakakaubos ng five liters a day o mahigit pa at ang maganda pa, purified water ang Healthy Family na kanyang iniinom bago pa ang endorsement.

Nagkatawanan sa contract signing ni Kris sa Healthy Family nang sabihin niyang dahil sa water endorsement niyang ito, natupad na ang big dream niyang maging endorser ng Ayala Company.

“Inisip ko talaga kung paano ako kukunin ng Ayala, lahat ng endorsements ko ka-competition at kalaban nila. May BDO ako, BPI sila. Smart endorser ako, Globe sila. Kaya nang dumating ito, complete na talaga ang endorsement ko from the companies that belong to Forbes list of Philippines richest.

That’s what convinced me. Tumawad sila dahil nag-start pa lang sila at pumayag ako,” pahayag ni Kris.

Natawa rin ang press at mga taga-Healthy Family sa sinabi ni Kris na isa pa sa mga rason kung bakit pumayag siyang i-endorse ang Healthy Family dahil makikita sa 330 outlets ng Healthy Family ang picture niya.