Ni LITO MAÑAGO

NAGPARAMDAM at dinalaw ang Regal matriach na si Mother Lily Monteverde ng namayapang veteran television/film director na si Maryo J. de los Reyes, noong madaling araw ng Linggo, January 28, ilang oras pagkaraang bawian ito ng buhay sa Dipolog City.

DIREK MARYO J copy

Sa interview kay June Rufino (manager ng direktor) ng ABS-CBN News, nalagutan ng hininga ang veteran filmmaker ng alas-10 ng gabi nitong Sabado (January 27). Naroroon sa Dipolog si Direk Maryo J para sa isang kaibigan na ikakasal.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“I felt bad. Na-shock ako talaga,” nang mabalitaan ng Regal producer ang nangyari sa isa sa paborito niyang direktor.

“When I learned that he passed away, nakatulog ako for a while and he went to see me. Nagparamdam. I’ve seen him in the morning ng 4, ‘tapos all lights open ako. He was setting down du’n sa table,” kuwento ni Mother sa ilang entertainment writers pagkatapos ng grand prescon ng My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan ng mag-sweethearts on and off cam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

“Sayang si Maryo J., ‘no?” sambit pa ng veteran film producer. “Nagparamdam siya sa akin, nagpaalam. Sayang talaga. Ang ikli lang ng buhay, ‘no?”

Wala naman daw premonition sa kanya si Direk Maryo na lilisan na ito.

“Wala, kasi sinabi niya, ‘Mother, hindi na ako malungkot. Move-on na ako. Blah, blah, blah! Wala talaga, wala. Mahal natin si Maryo.“

Ang huling pagkikita nila ng award-winning director ay sa isang kasalan sa Batangas.

“Two weeks ago, I met him sa Batangas, sa isang wedding, kay Pong (Mercado). Sabi ko, ‘Maryo, kain tayo ng lechon.’ Bawal daw. Lahat bawal. ‘Tapos sabi ko, ‘Halika, inom tayo, maglasing tayo.’ Bawal pa rin daw. Kinakain lang niya, vegetables,” lahad pa ni Mother.

Sa loob ng maraming taong pagiging magkaibigan nila, isang bagay daw ang hinding-hindi makalilimutan ni Mother Lily kay Direk Maryo J.

“He’s so lovable, not only to me but to everybody. Sobrang mahal ko siya. Ewan ko pero klik na klik kami parang si Ishma (Direk Ishmael Bernal).

“I’m so close to him. ‘Yung closeness namin parang isang pamilya. He did everything for me. Even this one, sa bahay ko, sa garden ko, even ‘yung mga furniture ko. Binibigyan niya ako ng mga tip, ‘O, heto, ayusin mo.’ Wala siyang karekla-reklamo,” pagmamalaki ni Mother sa 65-year old direktor.

Ang ilan sa mga pelikulang nagawa ni Direk Maryo sa Regal Films ay Sinungaling Mong Puso (1992), Red Diaries (2001), Nandito Ako, Nagmamahal Sa Iyo (2009), Diosa (1982), Pepe and Pilar (1981), Dinampot Ka Lang Sa Putik (1991), Mga Kuwento ni Lola Basyang (1985) at maraming iba pa.

“Sa rami ng nagawa niyang pelikula during his time, masasabi kong mas marami siyang nagawa sa Regal,” pagmamalaki ni Mother.

Nakalagak ngayon ang mga labi ng well-loved filmmaker sa Loyola Memorial Chapels, located along Commonwealth Avenue, QC. Inurnment will take place on Saturday, February 3.