Ni NITZ MIRALLES

MALAKING balita sa fandom ng AlDub ang pag-unfollow ni Maine Mendoza kay Alden Richards sa Instagram (IG). Gusto nilang malaman ang rason ni Maine, pero as of press time, wala pang nai-interview sa kanilang dalawa.

MAINE AT ALDEN copy

Pero pagkatapos i-unfollow ni Maine si Alden sa IG, nag-post si Alden sa IG story ng “clueless” na itim ang background.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inisip ng mga nakabasa na reaction niya ito sa pag-unfollow sa kanya ni Maine.

Nang bisitahin namin ang IG ni Alden, deleted na sa kanyang IG story ang post na “clueless” at ang nakita namin ay ang poster ng Sherlock Jr., na kanyang pinu-promote.

Nalaman din namin na hindi lang si Alden ang in-unfollow ni Maine sa IG, pati ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Jr., at ang sister nitong si Riza. Kung ganitong pati pamilya ay in-unfollow, may malaking rason.

May nag-comment tuloy na sayang ang Hong Kong trip ng Dabarkads ng Eat Bulaga dahil hindi naplantsa ang issues and differences nina Alden at Maine dulot ng open letter ng huli.

Ang hiling ngayon ng AlDub fans, sabay na humarap sa kanila sina Alden at Maine at sila ang magsabing wala nang Aldub love team para malinaw sa lahat, wala nang umasa at para makapag-move on na ang lahat.

Samantala, sa rami ng isyu sa AlDub love team, tuloy ang takbo ng career ni Alden.

Sa February 2, magkasama sina Alden at Dennis Trillo sa “Balikbayan Night” sa Vigan, Ilocos Sur. Special guests ang dalawang Kapuso actors sa nasabing Fashion Show and Comedy Night kasama si Empoy.