Ni Nitz Miralles

NAPAPANOOD na ang karakter ni Ervic Vijandre sa The One That Got Away bilang si Joni, ang pasaway na kuya ni Darcy (Max Collins). 

Ervic copy copy

“Batugan siya, walang trabaho at ayaw magtrabaho, pero may GF at may anak na sila. Kay Darcy siya umaasa at laging humihingi ng pera,” description ni Ervic sa kanyang karakter.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Sabi ng aktor, kaiinisan ng viewers ang kanyang karakter na nagkatotoo nga dahil unang labas pa lang niya, nainis na sa kanya ang manonood. 

Ang laki kasi ng katawan ‘tapos ayaw magtrabaho at umaasa lang sa bigay ng kapatid. Maraming kagaya ni Joni sa paligid, naka-relate tiyak ang mga manonood, kaya kinaiinisan ang karakter niya.

“Hindi pa masyado sa mga unang linggo ang katamaran ni Joni, hintayin n’yo ang mga susunod na episode at maha-highblood kayo sa inis. Pero dahil light lang ang TOTGA, agad mawawala ang inis nyo kay Joni. Ang payo sa akin nina Direk Mark dela Cruz at Rado Peru, ‘wag kong gawing pang-sitcom ang karakter at acting ko,” patuloy ni Ervic.

Dagdag na kuwento ni Ervic, masaya sa taping, magaan ang mga kasama at kahit mahuhusay at sikat, walang nagpapaimportante at umaastang sikat.

“Ang parang mairereklamo ko lang, lahat kami papayat nito. Sa taping, hindi kumakain sina Lovi (Poe), Max (Collins) at Rhian (Ramos). Nuts at fruits lang ang kinakain nila at nakakahiya kung kakain kami habang ang girls hindi, kaya hindi na rin kami kumakain. Ang maganda lang, ni-request ni Direk Mark na magpa-yummy ako sa ilang eksena sa TOTGA, gawin natin.”

Kailangan ni Ervic mag-topless o kaya’y sando lang ang isuot para sabayan ang kaseksihan ng three girls at pagta-topless ni Dennis Trillo. Pinaghahandaan na niya ang araw na ‘yun by working out at pagda-diet.