Ni PNA

Inihayag ng Department of Health (DoH) na nakapagpurga na sila ng mahigit sa 200,000 estudyante sa ilalim kasalukuyang kumikilos na programa para sa National School Deworming Month sa Rehiyon 9.

Inilunsad ang National School Deworming Month noong Enero 1 at magtatapos sa Enero 31.

Sinabi ni Nieto Fernandez, DoH National School Deworming coordinator, nitong Huwebes na ang kanilang target ay makapagpurga ng 800,000 estudyante na binubuo ng 600,000 mag-aaral sa elementarya at 200,000 indibiduwal sa mataas na paraalan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Inilahad ni Fernandez na ang mga pupurgahin ay mga estudyanteng edad lima hanggang 18, na pumapasok sa pampublikong kindergarten hanggang Senior High School.

Aniya, ang wastong koordinasyon ay isinasagawa ng DoH at ng Department of Education (DepEd), katuwang ang mga magulang ng mga estudyante.

Bibigyan ang bawat isa ng 400 milligrams Albendazole, na nangunguya, at iinumin kapag busog at nang nasa ilalim ng paggaby ng mga nurse sa paaralan at mga health worker.

“We are encouraging the parents to support the National School Deworming Month,” saad ni Fernandez at sinigurado niyang ang mga gamot na ibinibigay sa mga bata ay ligtas at nakapasa sa World Health Organization (WHO).