Ni Light A. Nolasco

GAPAN CITY. Nueva Ecija – Tatlong kalalahikan na dumukot sa isang dalaga ang natimbog sa isang entrapment operation ng Gapan police makaraang mag-demand ng perang kapalit ng kanilang kinidnap sa Barangay Sta. Cruz sa siyudad na ito noong Biyernes.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, Gapan police chief, kay Sr. Supt. Elieso T. Tanding, OIC Nueva Ecija police provincial director, naaresto sina Jeffrey Jalova y Castro, 39, Jerone Jalova y Medes, 22, Jonard Baay, 23. Isang kasamahan nila na tinaguriang John Doe ang pinaghahanap.

Nanghingi umano ng ransom ang grupo ng pera kapalit ng pagpapalaya kay Mylene Deleguiado y Hipolito, 22, taga Barangay Sta. Cruz.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inireport sa pulisya ni Eufronio Deleguiado, 63, ang pagdukot kay Deleguiado. Nakuha umano nina Medes at Baay ang perang hinihingi sa pamamagitan ng 'Pera Padala' sa BP Bldg., Barangay Bayanihan, Gapan City.

Naaresto ang tatlo sa isang follow-up operation sa Barangay Lourdes, Cabiao, Nueva Ecija.