July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Guro, kinaladkad at saka binaril ng jowang sundalo; suspek, nagbaril din sa sarili!

Guro, kinaladkad at saka binaril ng jowang sundalo; suspek, nagbaril din sa sarili!

Patay ang isang babaeng guro matapos siyang barilin ng boyfriend niyang sundalo sa harap ng mga kaibigan sa Del Gallego, Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan habang kumakain nang dumating ang suspek niyang kasintahan.

Lumalabas sa imbestigasyon na agad gumawa ng eksena ang suspek at biglang kinaladkad ang biktima mula sa kinakainan nito.

Sinubukan pa raw umawat ng isang barangay tanod na nakakita sa ginagawa ng suspek subalit pinaputukan umano siya ng baril.

Kasunod nito, isang putok pa raw ng baril ang narinig ng ilang saksi, kung saan positibong tinamaan nito ang biktimang guro.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Pagkatapos na barilin ang kasintahan, kaagad ding binaril ng suspek ang kaniyang sarili.

Samantala, napag-alamang ligtas na sa ospital ang barangay tanod na unang binaril ng suspek. Hindi rin umano naging malubha ang tinamong sugat ng suspek kung kaya’t kasalukuyan na siyang naka-hospital arrest.

Idineklara namang dead on arrival ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa naturang krimen.