Ni NITZ MIRALLES

MARAMI ang naiinggit kay Gabbi Garcia, lalo na ang fans ni Gigi Hadid dahil na-meet, nayakap, nakausap at nakatabi niya sa picture ang sikat na international model.

Gigi Hadid at Gabbi copy

Fashion icon ng maraming kabataan si Gigi at sa mga humahanga sa kanya, kabilang sina Gabbi at Alexa Ilacad ng Star Magic sa masusuwerteng nakilala siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa Maybelline event sa Tokyo, Japan nakita at nakilala nina Gabbi at Alexa si Gigi. Hindi pa lang malinaw kung Philippine endorsers sina Gabbi at Alexa o kinuhang influencer ng Maybelline Cosmetics. Pero kahit ano pa ang role nila sa Maybelline, malaking bagay na sila ang napili sa rami ng Filipino celebrities, pinalipad patungong Tokyo at ma-meet nga si Gigi.

Marami ang nag-like sa picture ni Gabbi with Gigi na ipinost ni Gabbi sa Instagram (IG). Nang huli naming i-check ay may 118,256 likes na ito at may 2, 468 comments na puro positive. Pati local celebrities nag-like at nag-comment sa achievement ni Gabbi.

Siguro naman, nasa Sunday Pinasaya na si Gabbi this afternoon at kung mai-interview, maikukuwento niya ang mga nangyari at ang impression niya nang makilala at makausap niya ang sikat na international model.

Kailangan palang talagang present sa Sunday Pinasaya si Gabbi dahil grand promo ng Sherlock Jr., na magpa-pilot na bukas, pagkatapos ng 24 Oras.