Ni Gilbert Espeña

Para kay Pinoy boxer Mercito Gesta, magandang senyales na binabalewala ng hahamunin niyang si WBA at Ring Magazine lightweight champion Jorge Linares ang kanyang kakayahan sa kanilang sagupaan ngayon sa The Forum, Inglewood, California sa United States.

Kapwa nakuha nina Gesta at Linares ang timbang sa 135 pounds na dibisyon at sobrang lamang sa pustahan ang Venezuelan sa 50:1 odds kaya nangako ng “giyera” ang boksingero mula sa Pilipinas.

Sa official weigh-in kahapon sa Los Angeles, California, tumimbang si Linares ng eksaktong 134 pounds samantalang mas magaang si Gesta sa 134.8 pounds kaya wala nang makapipigil sa kanilang sagupaan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I feel like that’s what it is,” sabi ni Gesta sa BoxingScene.com sa pag-ismol sa kanya ni Linares. “He’s been talking already about a different opponent. If that’s the case, that’ll benefit me because he’s overlooking me. I don’t know about his training, if he is taking it serious, because I’m taking it serious. I’m the challenger and I want that belt so bad. I hope he’s ready, because I’m ready to give a war in the ring. I feel really amazing.”