ncaa copy

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Center)

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

9:30 n.u. -- EAC vs Mapua (m/w)

12:30 n.h. -- Letran vs San Sebastian (w/m/j)

PINATATAG ng Jose Rizal University ang tsansang makatuntong ng Final Four nang gulantangin ang College of St. Benilde, 25-21, 25-22, 25-21, kahapon sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Dahil sa panalo, umusad ang Lady Bombers sa ikalimang puwesto hawak ang patas na barahang 3-3 kapantay ng Lady Blazers.

Nagtala ng 20 hits at isang service ace ang beteranang hitter na si Shola Alvarez habang nagdagdag si Grace Verzosa ng 16 puntos upang pangunahan ang JRU.

Nagtapos na topscorer para sa CSB si Ranya Musa na may 12 puntos.

Nauna rito, pumatas ang defending men’s champion CSB Blazers sa ikalawang posisyon sa Arellano University matapos igupo ang Heavy Bombers, 25-16, 25-17,25-20.

Ang panalo ang ikalima ng Blazers sa anim na laro. Nanguna sina Owen Bacani at Jethro Oriana na umiskor ng tig-12 puntos.

Nanatili namang walang panalo ang Heavy Bombers matapos ang anim na laro na naglagay sa kanila sa ilalim ng standings.