Wildflower Wedding to Die For 4 copy

SA wakas, nauwi na sa kasalan ang pagmamahalan nina Lily (Maja Salvador) at Diego (Joseph Marco) matapos ang kaliwa’t kanang mga pagsubok na hinarap nila para mapabagsak ang mga Ardiente nitong nakaraang Lunes sa Wildflower.

Iba sa tinagurang ‘wildest wedding of the year’ na umeksena si Lily bilang bride in black, nasaksihan ng mga manonood ang isang simple at madamdaming pag-iisang dibdib ng dalawa.

Emosyonal na sinariwa nina Diego at Lily ang kanilang nakaraan at kung paano binago ng kanilang pagmamahalan ang isa’t isa. Nangako rin sila sa harap ng Diyos na mamahalin ang isa’t isa hanggang sa kanilang huling hininga.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ngunit sa kabila nang kasiyahan, may nakaamba na namang panganib dahil nakamasid sa kanila si Arnaldo (RK Bagatsing).

Ano kaya ang naghihintay sa bagong kasal? Ano ang maitim na balak ni Arnaldo sa kanila?

Huwag palalampasin ang Wildflower, Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).