Ni Reggee Bonoan

ISA kami sa mga natutuwa na extended hanggang February 2019 ang pananatili ni Direk Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema at marami pa siyang pelikulang gagawin.

Direk Cathy copy

Matatandaang nabanggit ni Direk Cathy sa presscon ng Unexpectedly Yours nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na hanggang 2018 na lang siya at ang huling pelikulang gagawin niya ay kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Marami sa entertainment media ang nagulat sa announcement na ito ni Direk Cathy at kasama na kami sa mga nanghihiyanang dahil isa siya sa pinakamagagaling na direktor ng Star Cinema at higit sa lahat, sumasagot sa lahat ng inquiries namin.

Gusto kasing bigyan ng panahon ni Direk Cathy ang mga anak niya na nagsisilaking wala siya sa tabi at ngayong malapit na silang maging teenagers ay gusto niyang maging full-time mommy at mangyayari ito sa ibang bansa kasama ang magiging pangalawang haligi ng kanilang tahanan.

Mukhang marami ang nanalangin na hindi muna matuloy ang pag-alis ng direktora dahil sa nakaraang storycon para sa Gerald Anderson-Pia Wurtzbach movie ay nabanggit na nabago ang petsa ng pagreretiro niya, aabutin siya hanggang Pebrero 2019.

Ito ang napag-usapan sa nakaraang meeting nila ng Star Cinema bosses headed by Ms. Malou N. Santos and Direk Olivia Lamasan.

Sa panayam ni Maureen Marie Belmonte ng Push kay Direk Cathy, naikuwento niya na inilatag niya ang schedule niya hanggang 2019.

“Basta ang sure lang kasi na nilatag ko last time is that 2019 will be my last year. So it’s up to Star Cinema and ABS-CBN what to give me during that year. Apparently dapat in my contract, that’s supposed to be one film na lang, that’s supposed to be KathNiel. Eh, nadagdagan,” aniya.

Nagustuhan niya ang kuwento ng pelikulang gagawin nina Gerald at Pia.

“Hindi naman ako para humindi, you know this is a project that I would want. And I also like the story talaga of this so I’ve accepted it with the KathNiel project na hindi natatanggal,” say ni Direk Cathy.

May dalawa pang pelikulang gagawin ang direktora pagkatapos ng Gerald-Pia at KathNiel movies.

“Maybe some more, maybe two more films. I don’t know. Depende po. Ako’y empleyado lang ng Star Cinema at ABS-CBN so susunod lang ako,” pagtatapos ni Direk Cathy.