Ni Beth Camia

Itatalaga ni Pangulong Duterte si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero bilang susunod na pinuno ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa pagkakatatag ng Tienda Para sa Mga Bayani sa Camp General Manuel Yan Senior sa Mawab Compostela Valley.

Sinabi ng Pangulo na itatalaga niya si Guerrero sa MARINA kapag natapos na ang termino nito sa Abril 2018.

De Lima, pinatawad si Congw. Roman kahit daw nanahimik ito dahil sa takot kay FPRRD

Matatandaang Disyembre 17 pa sana magreretiro si Guerrero, pero pinalawig ni Pangulong Duterte nang apat na buwan ang termino nito.

Papalitan ni Guerrero si dating MARINA Administrator Marcial Amaro III, na sinibak kamakailan dahil sa junket trips o madalas na pagbiyahe sa ibang bansa.