Ni NITZ MIRALLES

Karen Davila
Karen Davila
DAHIL sa nangyayari sa Rappler, magkakaisyu pa yata sina Karen Davila ng ABS-CBN at Arnold Clavio ng GMA-7. 

May tweet si Karen na, “Yes! Key word -- solidarity & courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next.”

Naka-tag sa tweet ni Karen si Gideon Lasco at sa sinulat nito sa column na Second Opinion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-react si Arnold via Instagram (IG): “Is this your post @iamakrendavila? Can’t believe you didn’t even get our side... Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan, eh, at nakitsismis ka lang. Solidarity and courage ba kamo? ‘Yun nga ang mensahe ng ‘Balitawit’ ko. Eto ang refrain para sa kaalaman mo.

“‘Panahon na naman ng paglaban. Panahon na naman... Panahon na naman ng paglaban. Gumising ka, tara na!’

“Filipino ‘yan. Pakitanong na lang kay Vic Limaang ibig sabihin ng ‘paglaban. Glad to know that Nanay Edity Burgos, mother of Jonas has seen it and this is her reaction, ‘Salamat sa Balitawit. We stand by you in the fight for press freedom. Di na tayo papayag na kitilin muli ang kalayaan sa pamamahayag. Mag-ingat po tayong lahat.’

“Maraming salamat sa nakaintindi. Sa hindi like you, sorry na lang. #sakaysaisyu @dzbb594 #balitawit.”

Sa mga nag-comment, may sinabi si Arnold na puwede naman siyang i-text ni Karen. Ibig sabihin, may contact numbers sila sa isa’t isa at nag-comment pa si Arnold ng, ‘Dating ‘Kapuso ‘yan’.”

Hinihintay ni Arnold at ng netizens ang magiging reaction ni Karen sa post na patanong na ito ni Arnold.