MUKHANG kinakalawang na sa pag-arte ang comebacking actress na napapanood ngayon sa isang teleserye. 

Hindi magaganda ang mga komento tungkol sa acting niya na nababasa namin sa social media.

Hindi papangalanan ang comebacking actress at hahayaan na lang namin ang readers na hanapin sa social media kung sino siya, tutal ilang teleserye lang naman ang umeere sa TV network na kunektado siya para mabasa rin nila nang personal ang mga pangit na komento.

Natawa kami na ikinumpara ang comebacking actress sa premyadong aktres na iisa ang tono kapag nagde-deliver ng dialogue.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Na-curious tuloy kami at naglipat ng channel para mapanood.  

Sa totoo lang, ilang beses kaming napapa-ay, anyare? Parang walang script reading, walang rehearsal, at walang blocking. Pati facial expression, waley din! Hindi naman nagparetoke ang comebacking actress para masabing hindi na niya maigalaw ang mukha niya para makitaan ng emosyon. --Reggee Bonoan