Ni Beth Camia

Nagsampa na ang Department of Justice (DoJ) ng kasong murder sa Caloocan Regional Trial Court laban sa dalawang pulis-Caloocan na suspek sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Matatandaang pinatay ng mga pulis si Arnaiz, 19, sa isa umanong police operation sa C3 Road sa Caloocan City noong Agosto, matapos magsumbong sa pulisya ang taxi driver na Tomas Bagcal na tinangka umano siyang holdapin ng teenager.

Natagpuan namang patay at tadtad ng saksak sa katawan si De Guzman, 14, sa isang creek sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 6, 2017.

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?

Sa 35-pahinang resolusyon, kinasuhan sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ng two counts of murder.

Ang dalawa ay kinasuhan din ng planting of evidence na paglabag sa Section 38 ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, at planting of evidence na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), dahil sa nasamsam na mga marijuana at shabu mula sa mga binatilyo.

Ipinagharap din sina Perez at Arquilita ng two counts of torture.

Samantala, ibinasura naman ng DoJ ang reklamo laban kay Bagcal dahil sa kawalan ng probable cause.