Ni Beth Camia

May petsang Enero 16, inilabas na ng Malacañang ang endorsement paper ni Rear Admiral Robert Empedrad bilang bagong commander at flag officer in command ng Philippine Navy.

Epektibo ang pagiging Navy chief ni Empedrad noong Disyembre 19 ng nakaraang taon, subalit nitong Martes lamang inilabas ang papel bilang pormal na abiso sa Department of National Defense (DND).

Si Empedrad ang nagsilbing officer-in-charge nang sibakin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang dating Navy commander na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, dahil sa nabalam na computer at weapons systems project ng Philippine Navy.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race