April 26, 2026

Home BALITA National

Sen. Ping, planong pigain si Zaldy Co!

Sen. Ping, planong pigain si Zaldy Co!
Photo courtesy: FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na may nakahanda siyang katanungan tungkol sa mga inilabas na video at isiniwalat noon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa kaniyang Facebook account. 

Matatandaang unang nagsalita si Co sa pamamagitan ng paglalabas niya ng video statement sa kaniyang Facebook account noong Nobyembre 14, 2025, na nag-utos diumano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.

Bukod dito, isiniwalat din ni Co na si Romualdez umano ang nag-utos sa kaniya na manatili sa ibang bansa at huwag bumalik ng Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Samantala, noong Huwebes, Abril 16, 2026, si PBBM mismo ang nagkumpirma sa publiko na naaresto na ng mga awtoridad ng Czech Republic si Co matapos umano itong tumawid sa sa nasabing bansa nang wala umanong tamang dokumento.

National

Birth verification ng higit 29k senior citizens, pinaigting sa mas pinabilis na access sa mga benepisyo

"Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities," saad ng Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM

Ayon naman sa naging panayam ng DWIZ News kay Lacson nitong Sabado, Abril 18, 2026, sinabi niyang tiyak daw na marami silang matutuklasan kung makikipag-ugnayan at magsasalita sa kanila si Co. 

Giit naman niya, asahan din daw ng publiko na magkakaroon ng maraming denial sa inaasahang testimonya ni Co kung dedepensahan lamang nito ang kaniyang sarili. 

“Kung magko-cooperate siya, kung magsasalita siya ng totoo, at magte-testify siya, ay di marami tayong matutuklasan,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Pero kung magka-clam up siya, pero i-depend lang ‘yong kaniyang sarili, ang aasahan natin, puro denial.” 

Ani Lacson, nakahanda na raw siyang kuwestiyonin kung alin ang mga totoo at kasinungalingan sa mga isiniwalat ni Co sa kaniyang mga video statement at post na isinapubliko noon.

“Pero may nauna na siyang video kaya ang pinaplano ko bilang chairman, ang una kong set ng questions, atleast… alin doon sa inilabas na video na ipinahayag niya, kung siya ‘yon, ang totoo at ilan ang hindi,” aniya. 

“Kasi nadetalye ‘yon, e,” ‘ika pa niya. 

Pagpapatuloy niya, mahalaga raw na marinig nila mismo kay Co na siya talaga ang nasa video ng kaniyang inupload noon at hindi ito isang Artificial Intelligence (AI) generated.

“Wala ring pagsasalita na galing sa kaniyang abogado na siyang may contact sa kaniya kung siya ba talaga ‘yon. Wala. Hindi natin alam. Kaya mas magandang siya talaga ‘yong magsalita doon sa kaniyang pahayag na lumabas sa video,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang kampo ni Co kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Iimbitahan siya!' Zaldy Co, ihaharap sa Blue Ribbon Committee hearing

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, 1-3 linggo bago makabalik sa Pinas—SILG Remulla