Inihayag ni Senate Pro Tempore Sen. Ping Lacson ang nakatakda nilang muling pag-imbita kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Lacson, minsan na nilang inisyuhan ng show cause order si Co kasama si Orly Gutteza ngunit kapuwa sila hindi dumalo sa nasabing pagdinig.
"Moving forward, kapag nandito na siya [Zaldy Co], at first opportunity, iimbitahan siya ng Blue Ribbon Committee dahil nung January, pinadalhan namin siya, along with Orly Guteza ng show cause order kasi nung in-invite namin sila, hindi sila nakadalo," ani Lacson sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Biyernes, Abril 17, 2026.
Saad pa ni Lacson, "Since then, wala pang nagiging action kasi nga wala siya rito. Pero ngayon, magkakaroon tayo ng opportunity na maimbitahan siya but of course, with leave of court. Kasi ang legal custody niya mapupunta sa Sandigangbayan once na ma-deport siya rito sa atin"
Iginiit din ni Lacson na mas mainam daw kung magkakasabay-sabay ang pagdalo nina Co, Guteza at 18-ex Marines hinggil sa isyu ng mga male-maletang perang ipinamigay nila sa iba't ibang politiko.
MAKI-BALITA: Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM
"Mas maganda, sa tingin ko ha, na magkasabay na sa pagdinig yung mga ex-soldiers na nagsabing nag-deliver ng male-maleta na P805 billion, saka si Zaldy Co, ang kung possible, pati si Orly Guteza... Kasi connected kay Zaldy Co yung testimonya nung mga ex-soldiers at itong si [Guteza]. Para magkaalaman na kung ano talaga ang totoo," ani Lacson
Matatandaang noong Huwebes, Abril 16, nang kumpirmahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nahuli na si Co sa Czech Republic matapos ang tangkang pagbiyahe nang wala umanong kaukulang dokumento.
"Nahuli na si Zaldy Co. He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities," saad ng Pangulo.
Kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang Pamahalaan ng Pilipinas sa Pamahalaan ng Czech.
KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM